Ako po si Sharon Velasco Minon, asawa ni Willy Minon kinamulatan ko na rin relihiyon katoliko. Ang Lola ko ay Isang nobenarya at namana din iyon ng nanay ko . Regular na nagsisimba ang nanay ko sa simbahan ng aming barangay. Na ang sinasamba ay isang santo.  Sabi nya sa amin, ito daw ay milagroso. Yun na rin ang pinaniwalaan ko at ng maraming taga doon. ginawa pa nila itong panghilot  sa katawan dahil ito daw ay nakakalunas ng mga sakit. Pero sa kabila ng pakarelihiyosa ng nanay ko. halimbawa sa buhay namin, may pumasok na pusa o manok sa kusina at kinain ang ulam para sa araw na yon. Halos nagliliparan na laht ng hindi magagandang salita lumalabas sa kaniyang bibig sabi nga sa kanta " banal na aso santong kabayo" Kaya meron din sa paguugaling namana ko sa mga magulang ko.
              

                     Pumunta ako ng Calamba Laguna noong 2004 para makapag trabaho.   Maaga akong nakapagsawa at sa edad na 24 anyos   nung nalamang buntis ako pinatigil ako sa trabaho at agad akong pinauwi ng probinsya ng Bicol. Sa kadahilanang hindi kami pwede magsama hangat hindi kami ikinakasal. Hangang sa makumbinsi ko na lang ang mga magulang ko na magsama na lang kami nang asawa ko kahit hindi pa kasal Hangang sa naging tatlo ang anak namin hindi pa rin napapakasal. Nagsama kami ng asawa ko. Meron kaming maliit na kuwarto inuupahan at madami kaming piangdaanan sa buhay. Madalas kami may piangaawayan isa na dun ang mga pakikialam ko ng buhay niya. Pareho kaming hindi nagpapatalo sa isat isa isa sa mga pakikialam na yun ay ang pagiging perpekto nyang asawa. Halos lahat na yata ng hindi magagandang salita ay nasabi  ko na rin sa kanya. Noon pa man ay lagi na niyang sinasabi na sumunod ako sa kanya at magpasakop. sa halip ay hindi ako nagpapatalo sa kanya. Wala din akong naging kasiyahan sa buhay ko dahil sa palagian naming pag aaway noon. Hangang sa nawalan ng trabaho ang asawa ko at  hangumabot kami sa puntong kailangan naming magkahiwalay. Nawala ang lahat sa amin sa dahilan na rin siguro ayaw kong magpasakop. Hiningan ko sya nang sapat na pera para  sa paghihiwalay namin at para makauwi na narin kami sa amin. Sa aking pag uwi isinama ko ang tatlo naming anak. Umuwi ako sa bicol na akala ko, doon, mas mapapadali ang buhay ko sa tulong at poder nang mga magulang ko. Malaking adjustment ang ginawa ko sa bicol nung una, mahirap. lalo na kung tatlo anak mo at maliit pa. Dun ko naiisip na kailangan ko pa rin ang tulong ng asawa ko. Thru text na lang kami naguusap, at madalas parin kaming nagaaway lalo na kapag oras na walang wala na akong perang pang gastos sa mga bata. Naisip ko rin na magsisi sa mga pagkakamali ko noon nagsasama pa kami ng asawa ko. Iniisip ko rin yung mga nararanasan kong hirap. Matagal din bago siya nakahanap ng trabaho at wala na rin siyang maipadalasa akin. palagi ko pa rin sya inaaway, imbis na intindihin ko yung sitwasyon nya. Umabot siguro ng isang taong wala syang mahanap na trabaho. Hangang sa dumating ang araw nung kamustahin ko sya. at magandang balitang meron na syang napasukan hindi nga lang kalakihan ang sweldo. Kahit papano ay may nahihingi na ako ulit suporta sa kanya. Hingi lang ako nang hingi, sabi ko  magnenegosyo ako kahit na maliit na pagkakakitaan at pinadalhan naman niya ako. since paguuling ang karaniwang hanap buhay dun. per sako bumibili at binebenta kolang din. Sa una naging malakas ang ang kinita ko na ipinagmalaki ko na naman sa asawa ko at sinabi ko rin na okey na kami dun basta padalhan nya lang kami ng suporta sa  mga bata. Doon may isang Christian Church na nag sponsor sa mga kakailanganin ng mga bata basta  iparegister sila at dun na rin magsisimba. Nabalitaan ng Mama ko kaya inutusan niya akong pumunta rin at nang maipasok ko na rin ang tatlong anak ko. Pumunta naman ako at idinaan sa interview. natangap ang isang anak ko si shanwayne. Nag simula sya mag  saturday at sunday school. pati narin ako ay kailangang involve doon kailangan ko kasi umattend ng  Bible study na regular kapag sabado at linggo. madalas din kami pasulatin nang mga prayer request . sa isip ko, sapat na yung mga ginagawa ko at inakala ko ring naging mabuting tao na ako. Sabi ko sa asawa ko na okey na kami doon. sarili ko lang ang iniisip ko, hindi ko naisip ang mga anak ko na nangungulila din sa kanilang ama. At hindi ko rin naiisip na ang mga punong kahoy din pala ay nauubos din. Hangang sa maubos na ri  ang maliit na kapital ko. Nawalan ako nang pinagkakakitaan. Hangang sa mapagdesisyonan kong pumunta ulit nng Laguna at maghanap nag trabaho at iniwan ang mga anak a mga mmagulang  ko.
            

                     January 2015 naging mabuti naman aan Iyos  s akin at aggad akko nakahanap ng trabaho. February 2015 unang beses na dinala  ako Diyos sa Liberty Baptist Church Iyon  na rin siguro ang naging plano ng Diyos sa akin.  Isinasama  ako na asawa ko pag dating naman sa pagsisimba ay hindi naman ako kumokontra. Nung nasa church na kami at nakapagtataka yung paraan ng pagtangap nila samin. idagdag pa yung konting tao at projector na ginagamit sa preaching. Naupo lang ako at walang naintindihan. Matagal din bago ako nakag pagsimba ulit sa Liberty  at ang dahilan ay pagiging abala ko sa trabaho. palagi akong pinipilit nang asawa ko ng isama kasi nga iba daw ang Liberty Baptist Church at maganda... sabi ko sa kanya na pareho lang din sila sa church na pinangalingan ko. Pero sabi niya  baasta magsimba at makinig lang ako. Nag pasulpot sulpot lang din ako hangang sa naging pamilyar na sa akin ang mga myembro ng church. Sa Liberty ko nakita at naramdaman ang mga tao totoo at nagmamahal at Diyos naa nagpaparamdam ng kanyang kabutihan. Sa church na ito sinimulang ayusin ng Diyos ang buhay at pamilya ko. Kinausap ako noon na kung anu ba daw ang disisyon ko kung willing akong sumunod at sumagot naman ako na Opo wiling akong sumunod. Pero dahil naging sagabal ang trabaho ko may mga Linggo paring hindi ako nakakapag simba, makapagsimba man ako tulog naman sa preaching. palagi akong pagod at puyat. kaya wala talaga akong maintindihan sa preaching. Sinabi rin ni Willy na itry ko pumasok kay Ms. Cathy Tapia para magkaroon ako ng time para sa pagsisimba. umattend ako ng orientation sa Hattendo kinabukasan naman pag pasok ko sa pinapasukan kosa Sto. Tomas Batangas kasabay naman ng pag baba nang listahan ng mga ireregular sa company. Naguluhan ako kung saan ako at kung alin ang mas makakabuti sa akin. Mas pinili ko ang pag ka regular ko dahil mas makakapagyabang pa ako. Hindi ko naisip ang pagbibigay ng oras para sa Diyos. Nagpatuloy ako sa pagtatrabaho ko hanggang sa kinausap na ri  ako ng Diyos na dapat ko nang ayusin ang pamilya ko
           

                      March 2016 binigyan ako ng pamasahe ng church para sunduin sa probinsya ang mga anak ko. at pag balik ko dito nakapag desisyon na rin ako manatili na lang bilang asawang may bahay. Since then sinusubukan ko na rin sumunod at panghawakan ang pagtitiwala namin sa Diyos na hindi nya kami pababayaan. At yun ang magandang desenyo ng Diyos para sa isang pamilya. Nung dumating sila Pastor Claude at Pastor Terrydito at nag preach sila tungkol sa salvation nag try ako na mag confess. pero nung kausapin ako ni Pastor Larry kahit testimony hindi ako pinagawa. Akala ko ganun lang kadali para masave wala pa rin parin pala akong naiintindihan. At dahil hindi parin nawawala saming magasawa ang magaway. Sinabi ko na ayaw ko na ring masave pa, dahil akala ko ko ang buti ko na at kapag may ginagawa pa ang asawa ko sinusumbong ko agad kay Pastor. Sunday morning Nag preach si Pastor Laryy tungkol sa "deliverance from the law" Deutronomy 11:28 And a curse , if ye will not obey the  commandments of the Lord your God, but turn aside out the way which i command you this day, to go after  other Gods, which ye have not known. sabi ko sa sarili ko na ayoko na bumalik sa dati kong buhay. Maayos na ang buhay ko ngaun kasam a ang Diyos. at isa pa sa sinabi na nag pahirap sa aking kalooban. Na ibigin ko muna ang ang Diyos  at nang sa ganon mamahalin ko na rin ang asawa ko. Sabi nya na  be humble at and never think that you are better  than anyone else. And it really works. A week before parating sila Pastor Greg sinabihan kami ni Pastor na maghanda sa pakikinig. Oct 16 2016 sunday sinimulan niya tungkol Praising the Lord( remembering) at sunday evening Sacrfice of praises, joy, spiritual  and doing good. In 1Peter 2:2 As a new b8rn babes,desire the sincere milk of the word, that you may grow there by and 1Peter 2:4 To whom coming, us unto a livings stone, disallowed indeed of men but chosen of God and precious. By monday, its about giving thanks to the Lord for he is good for his mercy endureth forever. anapakasarap isipin ang kabutihang ginawa samin ng Diyos. Nkapagpakasal kami, binigyan ng matititrahan, halos lahat na bagay na bago ibinigay saamin. Tueday evening  He preach about shout unto God with the voice of triump. hindi para mahirap sumigae kung para sa  Diyos. Wednesday night is about Love of God  sinabi nya dun sa  kwento tungkol sa parable of the sower at prodigal son. Sa Luke 15:12 And the younger of them said to his father, father give me the portion of good that falleth to me and he devided unto them his living. Alam ko na laging tinuturo ni Pastor Larry Nung Buksan kong tenga ko para makinig dun ko naintindihan na ako yung nasa kwento na iyon. papauwi na kami noon at tahimik lang ako.kasi nararamdamak ko kinakausap na ako na Diyos. And Thursday night ay patungkol naman sa Saving by the Grace of God. Sabi niya na Magtiwala lang sa Diyos at sumunod sa anumang sinasabi ng Diyos. Na distract ako sa pakikinig dahil sa kasasaway sa mga bata. kaya paguwi namin pinagalitan ko sila na wag at magpasaway kapag oras ng preaching 
dahil hindi ako maka focus. 

                      Friday night, nag bigay ng testimony si ate Alona Friday din noon na gusto nya din daw masave pero hindi sya nasave at friday din ngayon sana mag save at kausapin ako ng panginoon.At nagpapasalamat ako kasi Lumipat ng upuan sila sis Janet  at Jemima sa katabi namin at sa kabilang side naman ang mga anak ko.Mabuti na rin para makapakining ako ng mabuti. Nag simula si Pastor Greg  sa Luke 14:15 malinag na sinasabi sa akin ng Diyos sa akin na wala akong karapatan pero ipinag hain at iniimbitahan niya ako kumain sa kanyang lamesa na lakahanda na ang lahat. At sinabi halika na, halika na.Nakita ko image ang mata ak kamay ng panginooon at dahil dun hindi nako nagalinlangan pa kahit na magmukha pa akong timang. Naramdaman ko na lang yung sarili ko nakaluhod sa harapan ng pulpito at nagbigay ng pasasalamat sa Diyos at ang Diyos ay mas mabuting plano for me. and to my family. Just trust in Him.