July 19,2016
Tuesday night po yung time po na kinausap po ako ng panginoon sa kantang  not guilty na kinanta po ni ate charry napaiyak po ako .pero hindi ko  maintindihan ang sinabi sa preachings simula nung pagpunta nila dito.
after po magpreach ni pastor claude nung gabing yun kinausap po ako ni pastor larry pero hindi ko po maexplain sa kanya ang nangyari,feeling ko po ang sakit .tinanong niya ako kung anong nangyari at pinagpapasa po ako ni pastor larry ng testimony.
Nung sumunod  na gabi pinilit kong isulat yung alam ko.
Service that night was preached by Brother  Terry  Hebrews 4:12-13 sa totoo lang po wala po akong naintindihan sa preaching nya dahil po english because of the language barrier.

nagpasa ng testimony si aedrian   nung gabi na yun naconfirm na nasave sia.Kinabahan po ako   binati ko po sia sa messenger and sabi nya sa akin pinagpray ko na kayo ni chloe na masave din

 

July 20
Thursday morning my work po ako naiisip ko pa din po kung save po ako or hindi bigla pong nagmessage sa akin si tita na si chloe dw po ay nasave lalo po akong kinabahan hindi po ako mapakali sa store nagaantay po ako na my magtext sa akin  nagtext po si ate cathy na i love you phoebi Pero kung sakaling sabihin nila na hindi ka pa save, wag sana sasama loob mo. Lalo na sakin hehe word for word ang translation ko. Promise, walang dagdag bawas hehe.. Kung sabihin nila na save ka, I am happy for you! We'll rejoice with you! Tonight please have an open ear to hear what God needs you to hear. Open your heart to God. I love you. And God loves you more!  Nung sinend sa akin yung text na yun,inisip ko po na baka hindi sinave ng panginoon kasi wala pa akong naririnig kay Pastor Larry or sa kanino mang iba na.
Hanggang makasakay po ako ng bus papuntang church,iniisip ko pa din  confirmed na save si aedrian at chloe pero ako hindi pa ako minemention.
nagsalita si pastor nasave nga si chloe and aedrian nakaramdam ako ng sakit lalo na nung nagtestimony sila napaiyak po ako nasabi ko po sa isip ko  lord bakit hindi nyo po ako tinawag ? Ayaw mo po ba ako isave? Maraming tumatakbo sa isip ko hanggang umalis si Pastor Claude sa altar, iniisip ko pa din sarili ko
After nung service kinausap ako ni Pastor Larry, dun ko naramdaman na hindi ako save ang sabi nya po sa akin my kulang sa testimony mo puro title lang ang binigay mo wala dun yung sinabi sayo ng panginoon baka my gusto pa akong idagdag pero wala  akong maisip 
Pastor Larry told me na kinausap na ako ng panginoon at kinakausap pa din  dahil hindi ko maintindahan yung salita,at hindi dapat ako masaktan. after po namin magusap mas lalo po akong nainis at na disappointed,tinanong ko ang panginoon bakit hindi mo ako sinave? Iniisip ko Kung nakapagaral lang sana ako hindi ako hirap umitindi ng english.
nung gabi po nun nawalan na ako ng pagasa ang sakit po pala na mareject ka ni God yun po ang nasa isip ko.

Nagpunta nalang  po ako sa kitchen  habang tinitignan ko sila aedrian and chloe ang saya saya nila puro tawanan ang naririnig ko hindi ko namalayan na nakalapit na sila sa akin tinanong nila ako ate ok lang ba? "Yes ok lang ako dont worry "niyakap nila akong dalawa si aedrian nakatingin sa akin yung tingin na naaawa sabi ko sa kanya wag mo akong tignan ng ganyan iiyak ako at nagsmile ako pero deep inside ang sakit sakit ang hirap palang itago ang feelings na kunwari ok ka pero hindi naman.

hanggang sa makauwi,  tinanong ako ni tito emerson anong sinabi sayo ni pastor larry  sinabi ko na hindi ako nasave at napaiyak po ako hindi ko na po narinig mga sinabi ni tito at tita sa akin about ky God sinarado ko na ang puso ko masakit pa din.hindi ko na po maintindihan  pati si tita faith nagsasalita.

 

July 21
Friday 
pagkagising ko i feel so burdened  naalala ko pa din yung nangyari kagabi.  Feeling ko nareject ako nung sinabi ng mga preachers na hindi ako save .
nakarating ako sa work natulog po ako sa kiosk tinatamad na po akong magwork gusto kong umuwi nalang nalulungkot po ako wala akong makausap feeling ko ang pang baba ng pangunawa ko sa english sa sobrang sakit napaiyak ako.
Nagalit ako sa panginoon dahil sa aking nararamdaman.

Papunta po ako ng church ng gabing yun sakto po paglabas ko biglang umulan wala pa akong masakyan nagalit po ako ky God at sinabi kong ano ba god hindi mo na nga ako sinave pinahihirapan mo pa akong makasakay  at umuulan pa ano po ba talagang plano mo sa akin? Ang traffic pa po dahil sa malakas na ulan my doubt na po akong hindi umabot sa service pero nakaabot pa din po ako ng 7 pm

Ang haba po ng preaching ni pastor Terry 3 hours po yta.

The food on the table is words from God papano ko po maiintidihan ang salita na yun tru the man of God kung hindi ko po sila maiintindihan
Isa lang po ang tandaan kong sinabi ni pastor terry wag mong iisipin na hindi ka kinakausap ng panginoon kinakausap ka nya pero hindi mo lang naiitindihan ang hirap po nun papano po ako masesave kung hindi ko naiintindihan ang salita ng diyos? Papano po ako uupo sa kings table at kakain kung hindi ko po naiintindihan?

Nung gabi yung my mga parte sa sermon na trinaslate ni pastor Larry.hindi ko po maalala yung mga exact words, hindi ko mgawang tignan sia,Nakaupo si Pastor Larry sa likod. I refuse to look because i was still struggling, trying to understand on my own. Alam ko sa puntong yun nagmamatigas ako. 

Saturday
Nagluto po kami sa bahay nila Tita Alona tinanong po ako ni  ate alona kung kamusta kna? At hindi ko po napigilan mapaiyak  ako ,ang sakit pa din  pala ,nandun si Tita Faith and  Chloe Din nung time na yun. Napahiya ako at alam ko na my pride pa din ako.sabi ni tita alona at tita faith na kailangan kong maging humble at magtanong ako ky Pastor Larry  para mas maintindihan ko ang preaching at si Pastor Larry lang makakatulong sa akin.Sinabi nila sa akin na huwag na akong umiyak dahil napakabuti ng panginoon sa akin 
Sabi ng Panginoon Sa mga Preachers na meron hindi nakakaintindi ng Language nila at hindi lang ako.
Karamihan din sa Liberty na medyo nahihirapan mag english.
Gumawa ng paraan ang panginoon na marealize ni ptr terry na may language barrier. Hindi ko mapigilan mapaiyak

 

July 24
Sunday morning
Si pastor claude po ang magpipreach
Acts 8:26-37
And he said,how can i accept this man should guide me? And he desired philip that he would come up and sit with him
God told me na kailangan ko pong iopen ang pintuan para po makapasok ang ating pastor sa ating buhay dahil 
sia lang ang makakatulong sa atin sia po ang binigay na man of God para makatulong satin

Second sermon 
Pastor Terry and Pastor Larry
Nung pong tumayo si Pastor Terry nagulat po ako nung sinabi nyang si Pastor Larry ang mag tatranslate.
Nabuhayan ako kasi makakaintindi ako ng mga salita dahil magsasalita si Pastor Larry ng tagalog.

1 corinthians 14:13-20
Yet in the church i had rather speak five words with my understanding that by my voice i might teach others also,than ten thousand words in a unknown tongue

God told me na mahal nya ako kasi gumawa pa po talaga ng paraan ang panginoon tru Pastor Terry na maiintindihan ko ang salita nya, na itatranslate naman po ni Pastor Larry alam po ng diyos na nahihirapan po akong makaintindi ng english dun ko nakita ang pagmamahal ng diyos  sa akin,he doesn't want me to be left behind.God gave me hope

July 25
Monday morning
Wala po akong work this Monday,habang Nagluluto po si tita Faith  hindi po mawala sa isip ko yung unang testimony ko na ayaw ko pong ipabasa. nagdadahilan  lang ako lagi  kasi po nahihiya ako na hindi ako naligtas.sabi sa akin ni tita  faith wala ako dapat ikahiya.Despite some trepidation I sent my previously written testimony to Tita Faith and Ate alona through email

Soon after  testimony mo...napaiyak ako! I will continue to pray for you. I love you & I am sure God's love you katulad rin ng pagmamahal nya sa akin, Aedrian at Chloe at sa iba pa nating kapatiran.
Base sa testimony mo kita at alam ng Panginoon ang nasa puso mo gusto lng nya na aminin mo na hindi m naiintindihan lahat ng preaching. Nakita mo after m kausapin s Pastor nabigyan ka ng tulong galing ky God

Iba tlga ang wisdom na bnbigay sa mga Pastors ntin! I am still so amazed kung paano mg work ang Dyos sa isang save at lost person.  Grabe ano..we really ate in a good place. Kung my gusto ka ikwento lagi ako nandito ha. I love you my dear Junakis!!😘😘😘

Napaiyak  po ako napakabait nga po ng diyos sa buhay ko alam ng diyos kung ano ang kailangan ko hearing and understanding namamangha po ako sa kakayahan ng panginoon. dun ako nagsimula na hanapin ko ulit ang panginoon unti unti nya binuksan ang isip ko at pinalambot ang puso ko.

At the same day, nagaayos po ako ng damit nakikinig po ako ng kanta narinig ko din po sia sa kotse ni ate cath HELP ME FIND IT 
nagandahan po ako sabi ko po  sa isip ko GOD HELP ME FIND you!

 

The lyrics were:

Im giving you fear and you give faith
Im giving you doubt,you give me grace
For every step I've never been alone
Even when it hurts,

You'll have your way , 
Even in the valley
I will say with every breath 
you've never let me go
I will wait for you 
You've never failed before 
I will wait for you

Napaiyak po ako dun ko lang po  naintindihan yung meaning nung kanta na kahit nasaktan ko ang panginoon nan jan pa din po sia sa tabi ko his never let me go
his still gracious to me 
sinabi ko po sa panginoon "im sorry" naging makasarili ako at prideful hindi kita naisip nung time na hindi po ako nasave inuna ko pa yung  galit na nararamdam ko  "im sorry God"

That afternoon,Sinundo po kami ni ate cath papuntang church,kinakabahan ako pero ibang kaba ang nararamdaman ko

Service started
Si pastor claude po ang pipreach para dw po sa mga lost.Excited  po ako! Lord give me hearing and understanding 

Matthew 11:28

Come unto me,all ye that labour and are heavy laden,and i will give you rest
Paulit ulit po syang binabanggit ni pastor claude sinasabi po ng panginoon lumapit ka lang sa akin yung mga nabibigatan pumunta lang kayo sa akin i will give you rest. Nung time na yun alam ko yung preaching ay para sakin pero nag dadalawang isip ako kung pupunta ba ako sa altar kasi nahihiya ako na may makakakita. Hindi ko mapigilan isipin yung kung anong iisipin ng iba.
Pero mas natatakot pag hindi ako pumunta sa altar wala nanamang mangyayari sa akin.
Pero napakabait ng panginoon, inulit nanaman po nya ang sinabi nya na

come unto me,all ye that labour and are heavy laden,and i will give you rest
pinikit ko ang mata ko sinabi ko Lord "kayo na po bahala sa akin" tumayo po ako  niyakap ko ang panginoon (through the speaker)

Sinabi ko sa panginoon na  tulungan nya ako,nagiiyak na ako

Hinawakan po ako ni God at sinabi nya I WILL GIVE YOU REST.

Naramdaman ko na nawala yung bigat na nararamdaman ko at cinomfort po ako ng panginoon. THANK YOU GOD!

At hindi lang yun sinabi niya din sakin na kabilang ako sa table niya and he will give me rest.God loves me. Hindi na ako nireject ng panginoon, I can be with God and walk with him in the light.