Ako po si Ledda Wilma Salisi "Faith" for short. Maybahay ni Emerson Salisi may dalawang anak si Chloe at Zerkh.

Lumaki po ako sa pamilyang sagradong katoliko ang aking ina na si Erlinda Angeles ay nakita ko po kung gaano karelihiyoso laman po siya ng simbahan, sa bahay po namin sa Bataan halos lahat po ng rebulto meron kami araw-araw din po nakikita ko na nagrorosaryo ang nanay ko. Ang paniniwala daw po kasi nila ang kaligtasan ay sa paggawa ng mabuti. Hanggang minsan maghoholy week yun sabi ng nanay ko sa akin "uuwi tayo sa Pampanga doon tayo magmamahal na araw at magpapasan ako ng krus". Napanaginipan daw kasi niya ang diyos sabi daw sa kanya magpasan siya ng krus. May paniniwala ang nanay ko na pag ginawa niya yun mawawala lahat ng problema namin. Bilang 1 anak maniniwala ka sa alam mong tama. Nung araw na magpapasan ng krus ang nanay ko nakita ko yung hirap niya ang laki at ang bigat nung kahoy na krus na dala niya at matanda na din naman siya. Awang awa ako sa kanya pero wala akong magawa kasi yun ang gusto at paniniwala niya. Nagkaroon ako ng tanong sa sarili ko nun "bakit kailangan pa na magpasan ng krus at mahirapan ng nanay ko?". Nung tumira ako sa Maynila every Wednesday nagsisimba at nagnonovena ako sa baclaran pag friday naman sa quiapo ako nagsisimba may rosary ako na kahit saan ako magpunta dala dala ko ganun umiikot ang buhay ko kasi ganun ang paniniwalang nakalakihan ko pero parang wala naman akong ibang nararamdaman sa mga ginagawa ko na pag labas ko ng church wala na masabi lang na nakapagsimba ako, wala nga akong alam tungkol sa bible.
  
Hanggang sa makilala ko at maging asawa si Emerson at nabiyayaan kami ng 2 anak. Sa una pa lang sinabi niya na sa akin na baptist siya at alam din naman niya na katoliko ako kahit magkaiba kami ng relihiyon hindi yun naging problema sa amin kasi ginagalang ko ang paniniwala niya at ginagalang din naman niya ang pinaniniwalaan ko. Pag nagsimba ako may mga times na sumasama siya sa akin para wala lang maging problema. One time niyaya ko siya na magsimba sa San Pedro at nagsimba kami dun may na witness pa nga po ako noon na binibinyagan. Tuwang tuwa din ako kasi lahat halos ng mga nakikita ko may hawak hawak na bible sabi ko sa sarili ko "ang cute puro sila may bible" siyempre po sa catholic wala ako nakikita na ganun kumbaga pag katoliko ka "KKB" kanya kanyang basa ng bible at kung gusto mo lang. Hindi na naulit ang pagsimba namin sa San Pedro.
 
 Ganun na naman ulit nagsimba na naman kami sa catholic church. Lalo na noong dumating ang time sa buhay namin na unti-unti kaming bumabagsak nagkafinancial problem kami sunod sunod ang mga dumarating na problema sa amin, madami din po akong nagawang mali sa buhay at pangit na paguugali sa madaling salita "IM LOST". Napapadalas din kami sa pagsisimba para sa pansariling kagustuhan namin na mabless kami ni God. Sabi nga ng iba maaalala mo ang Diyos pag may kailangan ka lang.  Pero kahit palagi kami nagsisimba parang may kulang pa din, hindi ko maramdaman yung peace of mind na hinahanap ko sa sinisimbahan ko.
 
 Isang araw sabi ko kay Emerson gusto ko magsimba sa baptist church pero hindi naman namin alam kung saan kami pupunta. Nabalitaan ko na darating si tita Dolce natuwa ako sabi ko kay Emerson "pwede ba pagdating ni tita sumama tayo magsimba sa kanya?" Sabi niya "sige".
  
Nung dumating nga po si tita Dolce sumama kami magsimba sa kanya sa Liberty Baptist Church nung first time ko po na umattend sa Liberty si Pastor Terry ang nagpreach nagugulat po ako pag sumisigaw sila may mga pagkakataon pa na nanlalaki mga mata ko. May tanong po ako sa sarili ko na "bakit kaya sumisigaw at umiiyak sila? Ah siguro ganun talaga sa kanila." Pero ang hindi ko makakalimutan nung araw na umattend ako sa Liberty ay ang naramdaman ko na pagmamahal nila para sa lahat.
  
Nagkaroon kami ng interest na mag-asawa na lagi ng magsisimba sa Liberty at sa bawat araw na umaattend at  nakakapakinig kami ng preaching nararamdaman ko na may kakaiba sa church na ito nagkaroon na ako ng Peace of Mind na matagal ko ng hinahanap. Unti unti ang dami ng nababago sa buhay namin. At tinuturo po dito na Panginoon lang po ang may kakayanang makapagligtas.
   
March po yun ang araw na nagtestimony si Cathy at kumanta si Jemima. Nung nagpipreach na si Pastor Larry may nabanggit siya na mahal ng diyos ang mga tupa niya naiyak ako kasi nakita ko ang sarili ko na kami yung tupa na mahal ng panginoon kasi hindi niya kami pinapabayaan.
  
May 3, 2015 nasave si Emerson nakita ko ang daming pagbabago ang ginagawa ng panginoon sa buhay niya nagkaroon ako ng matinding Desire na maligtas din. Walang araw na hindi ko hiniling sa diyos na sana ako din isave niya. Umpisa din noon lagi na akong nagdarasal bago kami pumunta sa Liberty para sumamba na "Panginoon tulungan niyo po ako na maunawaan at maintindihan ang inyong mga salita".
  
Pero talagang may oras na susubukan ka ng panginoon kung hanggang saan ang Faith at Trust mo sa kanya. Ito po mga nakaraang araw nagstruggle po ako. Malapit na kasi ang pasukan pero hindi pa din napapaenroll ang mga anak ko lagi na naman ako nagtatanong kay Emerson ng mga negatibong bagay pero ang lagi lang nyang sinasagot sa akin "hindi tayo papabayaan ni God magtiwala ka lang sa kanya".  umuwi ng batangas si Emerson para dumalaw kay tatay, pagbalik niya ng bahay galing tanauan ang bungad niya agad sa akin "wala akong nakuhang pera be pampaenroll ng mga bata" sa isip ko agad "ay akala ko ba hindi tayo papabayaan ni God? Eh bakit ganito?" May iba pa sinasabi sa akin noon si Emerson na hindi ko na naiintindihan kasi bigla ang dami na namang WHAT IF sa isip ko. Sabi niya "akyat tayo magusap tayo sa taas". Nung nakaakyat na po kami sa kwarto namin tinanong ako ni Emerson sabi niya "Naniniwala ka ba na hindi papabayaan ni God ang mga tupa niya?" Ang sagot ko po "Oo" pero deep inside my heart alam ko ang sagot "Hindi". Bigla para may nagutos sa akin na buksan mo ang dala ni Emerson na bag pagbukas ko nakita ko may pera pala pampaenroll ang mga anak ko. Natahimik ako ng mga sandaling yun bigla akong nahiya sa Panginoon kasi kinuwestiyon ko na agad ang kakayanan niya na hindi dapat kung ibinigay ko lang sana ng buong buo ang Trust ko sa kanya na siya ang bahala magprovide para sa amin. Ang bigat bigat ng pakiramdam ko umpisa nun.
  
May 31, 2015 (sunday) nasa bahay pa lang parang may kakaiba na akong nararamdaman hindi ko alam kung ano. Excited na po ako magpunta church. Bago magsimula ang sunday school nagsulat na ako ng mga dapat inotes para pag nagumpisa na magsalita si Pastor Terry makapagfocus ako sa pakikinig sa kanya. Nagdasal na po ako na bigyan ako ng Panginoon ng sapat na kaalaman na maunawaan at maintindihan ko ang mga salita niya. Habang nakikinig po ako sa sunday school bigla akong nakaramdam ng kakaiba nagdasal po ulit ako sabi ko "Panginoon kayo na po ang bahala sa akin, kung ano man po mayroon ako sa mga sandaling ito isinusuko ko na po lahat sa inyo".
  
Natapos na ang sunday school sabi ni Pastor Larry tayo tumayo at umawit. Nung nagumpisa ng awitin ang MY REDEEMER IS FAITHFUL AND TRUE pagdating sa chorus na EVERYTHING HE HAS SAID HE WILL DO. AND EVERY MORNING HIS MERCIES ARE NEW bigla akong nanlamig sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko at nanginginig ako naramdaman ako ang Panginoon sa tabi ko sinabi niya sa akin "MAGTIWALA KA SA AKIN. AKO ANG BAHALA SA IYO HINDI KITA PABABAYAAN". Ang alam ko lang ng mga sandaling yun iyak ako ng iyak "Yes po Lord i Trust you" ang paulit ulit na sinasabi ko. Hanggang sa natapos ang kanta alam ko hindi pa din ako iniiwan ng Panginoon. Nung magpipreach na si Pastor ang sabi niya "ang ipipreach ko ngaun naipreach ko na dati" buksan niyo sa Luke 15 pagbukas ko sa bible ko 'Parable of the Lost Sheep' sabi ko "Panginoon para sa akin pa din po ba ito?" Hindi ko na naintindihan ang mga sinasabi ni Pastor si Emerson may sinasabi din sa akin pero hindi ko na pinapansin kasi Ang mga mata ko hindi naalis ang tingin sa bible at paulit ulit ko lang binabasa ang nakasulat sa LUKE 15:4 What man of you, having an hundred sheep, if he lose one of them, doth not leave the ninety and nine in the wilderness, and go after that which is lost, until he find it?
 
Nakita ko ang sarili ko, Ako ang 1 nawawalang tupa ng Panginoon. At hinanap niya ako kasi mahalaga ako sa kanya. Yung naramdaman ko nung March naulit ulit. Lahat ng bigat na nararamdaman ko this past few days bigla nawala lahat parang may tinik na nabunot sa dibdib ko.
  
 Napakabuti talaga ng Panginoon ako ang Lost Sheep na hinanap niya at iniligtas. I surrender everything to him, i am ready to follow God with all my heart. Excited na ako sa gagawin ng Panginoon sa buhay ko. Thank you God for saving me. God is good!