Ako po si Charry G. Ballonado ng Liberty Baptist Church. Kahit na ako ay nabinyagan ng Catholic Priest, hindi ko na po naranasan o gawin ang mga paniniwala at ritwal ng isang Katoliko dahil nakahanap ng isang Baptist Church ang aking ina sa San Pedro, Laguna. Doon ako namulat sa mga paniniwala ng isang Baptist; tuwing Linggo nasa Sunday School kung saan tinuturuan ng mga Bible Verses na kailangan din naming i-apply sa buhay namin dahil para daw malugod ang Diyos. Bata palamang po ako alam ko na na ang tao ay makasalanan, ang pagibig ng Diyos, at kung anu anu pa. Nguni tang mga yun ay pawang memoryado lang hindi po talaga naiintindihan. Buong akala ko po LIGTAS na ako kasi napagtanto ko naman na ako ay Makasalanan, Humingi ng Tawad, at Tumanggap. Ngunit sa tuwing meron pagdududa saakin kung ako ba talaga ay ligtas, uulitin ko lang ang ginawa kong pagtanggap. Lumaki ako na gumagawa ng tama kasi para lang masabi na mabuti akong tao at kasi dahil sabi ko ligtas ako kaya kailangan malaman ng iba na meron ako Kristo sa puso. Ako po ay naging matapat sa bahay sambahan, ang dami kong gawain (ministry) na sinalihan kahit libre pa ang mga serbisyo nito dahil ang sa pagkaka alam ko po yun ang nais ng Diyos saakin at pagpapalain nya ako dahil dun. Akala ko po sa pamamagitan ng pagpapagamit sa gawain (thru my talents) ay malulugod ang Diyos pero yun ay mali; lahat yun para mapuri lang ang laman.

Years after nag graduate po ako sa Bible College, ang aming pamilya ay dumanas ng crisis pinansyal (financial crisis) kaya ako ay kinakailangan lumabas sa ministry at maghanap ng trabaho na merong sweldo para makatulong sa Pamilya. Ako ay natanggap sa isang BPO-type na company or what they usually say, Call center. Malaki po ang sweldo pero ito ang masasabi kong ‘darkest years’ ng aking buhay. Sa loob ng Walong taon, Namuhay po ako na tulad din ng karaniwan; gala, inom, gimik, kung anu anu pa. Pero sinasabi ko sa sarili ko Kristyano ako at pupunta naman ako sa langit eh. So minsan iiwas, pero madalas na-dadala.

Sa mga panahong din iyon, madalas narin nababanggit ni Cathy saakin ang pag simba. (Si Cathy Tapia po ay matalik kong kaibigan since grade school; nagkasama din po kami noon sa iisang Baptist church). Sabi nya nagsisimba sya sa Liberty Baptist Church pero hindi ganun kadalas. Maraming beses nya sinubukan ako isama pero palagi po ako nag dadahilan. Minsan sinabi ko pa sa sarili ko, “bakit ako sasama sayo eh samantalang ikaw nga hindi naman ganun ka-faithful sa pag aattend… ang dami ko tanong hindi mo masagot kasi ikaw mismo hindi alam ang isasagot…” dagdag ko pa, “malamang kasi napipilitan ka lang mag simba dahil pinipilit ng inay nya…”

Pero deep within, alam ko, gusto ko, nais ko, manumbalik sa Diyos; magsimba tuwing Linggo, maglingkod gaya ng dati o kahit na makinig lang sa Salita ng Diyos. Hanggang sa isang Miyerkules, sumama ako kay Cathy. Nung una kong pagdalo sa Liberty nanibago po ako kasi ang mga miyembro ay nakikinig lamang sa mga recorded preachings thru a projector screen; hindi ba yung katulad sa nakaSanayan ko po na pananambahan. Pero nag stay ako, tinapos ko po ang service. At nung paUwi na kami tinanong ako ni Cathy kung anu masasabi ko sa pagsimba na yun. Sinagot ko lang na, “As long as KingJamesVersion ang Bible walang problema saakin..” Hindi pa po naging regular or madalas ang pagDalo ko po sa Liberty dahil ang schedule ko po sa trabaho ay paBagoBago. Pero isang araw nag decide nalang ako na Gusto ko na mag resign. Kinausap ko ang nanay kop o patungkol dun. Sabi ko pa sakanya, Pagod na ako sa ganung buhay. Yun pala naman, matagal na pinanalangin ng nanay ko na mag resign na ako kasi nakikita nya na hindi naman talaga na ako masaya at isa pa, ang layo ko na daw po sa Diyos. Nagkataon naman po nangailangan ng teacher ang school ng mga pamangkin ko. Kaya nag apply po ako dun at natanggap. Laking tuwa ko dahil bukod sa malapit lang po saamin, hindi pa makakaHadlang ito sa mga church services po. Sa serye ng mga kaganapang iyon, unti unti ko narin nakikita ang gawa ng Diyos sa buhay ni Cathy. Isa narin yun sa dahilan kung bakit nag pasya ako na dumalo narin sa Liberty. NapakaTyaga rin naman nya na sunduin ako at sabay kami magPunta sa bahay sambahan.

Taong 2013, nagpasya ako na dumalo na palagi sa mga pagSamba. Sa totoo lang po, malaking adjustment ang ginawa ko. Nahirapan po talaga ako makinig lalo na sa recorded preachings. Pati ang mga emosyon na nangyayari sa paligid hindi ko po kinasanayan yun. Laking tanong pa saakin ang mga Pagsigaw nila ng Papuri na may kahalong pag-Iyak. Na minsan sinabi ko pa, nasa Baptist church ba ako oh Protestant church? Ngunit ang pinaka palaisipan saakin nung nag simula na po ako dumalo ang ‘way of Salvation’ na palagi binabanggit ni Ptr Larry saamin dahil ang Laking PagkakaIBA po sa nakagisnan ko na paraan ng Diyos sa kaligtasan. Pati ang salitang Repentance na kung tutuusin napaka Babaw lang ng pagakakaintindi ko. Ngunit itinuro saakin ng Diyos sa na ang totoong Repentance ay hindi lamang pagsisi kundi ang pagpalit mo ng pagiisip na kung saan pagtalikod mo sa sarili mo at humarap Patungo sa Direksyon sa DIYOS.  Ang daming turo sa Biblia na akala ko po ALAM na ALAM ko na pero hindi naman talaga.

Inakala ko din po ng nagSisimba na ako sa Liberty, pag lumaon, hahawig din sa nakaSanayan ko na. na halos ma-kakabisado ko na ang mga Preaching ng mga tagaPahayag. Pero ako po ay MALI. Hindi ko po malilimutan ang gabi na kung saan nakinig kami kay Ptr Mike (recorded preaching); patungkol po ito sa PAGIBIG ng DIYOS SAATIN. Sa kalagitnaan ng kanyang pangangaral inawit nya ang “I am so glad that Jesus Loves Me.” (I am so glad that our Father in heaven Tells of His Love in the Book He has given… Wonderful things in the Bible I see, This is the dearest that Jesus Loves Me). Hindi ko namalayan ang sarili ko na umiiyak na pala. Dun ko lang naramdaman ang Tunay na Kahulugan ng awiting iyon. Samantalang bata palamang po ako kabisado ko na ang mga ito. Dalidali po ako tumakbo sa CR para hindi Makita ng iba ang pagIyak ko. Mataas po kasi ang pride ko. Isa pa sa dati ko po nung sinasambahan, pag umiyak ka habang preaching, ang karamihan pagiisipan ka na meron ka matinding kasalanan kaya ka pinatamaan ng Diyos. Anyway, nung oras na yun, dun ko po napagtanto kung Gaano ako kaMAHAL ng Diyos kahit na hindi naman po ako karapatdapat ng Pagmamahal Niya.

July 2014 ng nagkaroon ako ng pagkakataon makaUsap ang mga pastor. Dun ko inamin na ako ay “LOST,” Naliligaw… Hindi Ligtas. Laking gulat at tuwa ng puso ko ng marinig sa kanila na kung manantili lang ako mayroong mga pastor at simbahan na Magmamahal saakin. Hiningi ko din ang sagot ng Diyos (isang gabi) na kung gusto ba Nya ako manatili kung ako ba talaga ay nasa tamang simbahan… sabi ko SaKanya, banggitin Nya ang pangalan ko habang nangangaral ang pastor, and iyon nga po ay nangyari; ginamit Nya si Ptr Claude para sagutin ang mga tanong ko. Napaka makapangyarihan ang mga oras na iyon!

Lumipas ang mga buwan, nanitili ako hanapin at maghintay sa kaligtasan ng Diyos saakin. Ang mga patong patong kong tanong unti unti naman Niyang sinasagot po sa pamamagitan ng mga preachings. Minsan naman kami ay nakikinig sa mga testmonies patungkol din sakanilang Kaligtasan at unti unti na ako nagiisip at nantatanong “paano kaya ako iliigtas ng Diyos?” dumating din ako sa point na nag iimagine na ako kung paano at kung anu ang gagawin ko kung mangyari yun; ngunit wala naman po nangyari.

Isa o dalawang buwan bago ako maligtas, matindi na po ang kabigatan na nararamdaman ko na pati ang katwang pisikal ko napektuhan na. Mayroong pagkakataon na Linggo magdadahilan po ako na may sakit pero alam ko na ang merong sakit talaga ay aking Spiritual. Ako po ay nagmatigas. Iniiwasan ko ang pastor ko na dumating kami sa pagkakataon kamustahin ako. Ayaw ko po. Umiiwas ako sa mga gotomeetings (pagpupulong thru internet na kung saan po nakakaUsap din naming mga pastor from U.S.)… hanggat maari wag ko makaUsap ang mga pastor kasi natatakot ako sa kung anu ang gusto ipaAbot na mensahe ng Diyos thru them. Ang Pride ko po ay mas Mataas pa saakin; na sa tuwing ako ay magsisimba, lagi nalang ako uuwing mabigat ang loob. Nahirapan ako “maniwala” kahit na ang Dami ng ipinakita ng Diyos saakin. Isa pang nagpapabigat po saakin ang Makita ang pamilya ko na hindi ko makasama sa pananambahan na samantalang noon palagi ko nakakasama. Ang dami kong “paano kung?” “pero kasi…” Natakot ako sa magiging resulta nito sa buhay ko. Natakot po ako na para bang.. anu nalang sasabihin ng iba; Laki sa Simbahan pero HINDI LIGTAS??? Ilang beses po ako nagduda na kung ililigtas ba talaga Niya ako dahil Sya din naman ang nag sabi sa Jonah 2:9, Nguni't ako'y maghahain sa iyo ng tinig ng pasasalamat; Aking tutuparin yaong aking ipinanata. Kaligtasa'y sa Panginoon. Dumating din po ako sa panahong parang naiinip na.

Linggo, May 3rd, nakinig kami po (recorded preaching) kay Ptr Greg; ang kanyang hinayag ay ang “HALAGA ng iyong Kaluluwa.” Nung araw na iyon naPagTanto ko po na hindi ko na pinahahalagahan ang kaluluwa ko; gusto ko na lamang maligtas for the sake na maligtas or masabing Naligtas sa wakas. Naging kampante nalamang ako sa pagiging Ligaw; hindi naman na talaga ako naniniwala kasi ang Dami kong mga dalahin na ayaw ko bitawan. Akala ko po ililigtas na ako ng Diyos nung araw na iyon; ngunit Hindi po ito nangyari. Sa halip, si Emerson po ang naligtas ng araw na iyon. Nung nalaman ko ang mga pangyayari hindi ko alam kung ako ba ay matutuwa para sakanya o malulungkot dahil nauna pa sya inilgtas…. Tinanong ko sarili ko, “Paano nagyari yun? Bakit dinaanan lang Niya ako? Anu ang nakita ni Emerson na Hindi ko Nakita???”

Linggo, May 17th, akala ko po isang normal na araw lang sa Liberty; sabi ko pa wala ililigtas siguro ang Diyos kasi kakatapos lang Niya kay Emerson; nagbubunyi pa kami. Habang nakikinig ako sa SundaySchool, alam ko kinakausap ako ng Panginoon; gusto Niya iparating saakin na Siya lamang ang makakatulong saakin na tumigil na manatili sa maling paniniwala na kinagisnan ko; sa mga bagay na nagdudulot saakin lumayo sa piling Niya. Ang nais ng Diyos ang Siya ang kumilos hindi ang Gusto ko mangyari. Syempre ng pride ko po andun parin. Sinabi ko pa na siguro pag naubos na ang Pride ko saka na ako ililigtas ng Diyos. Akala ko pa, kinakailangan ko yata Kalimutan ang mga bagay na alam ko patungkol sa Biblia para Makita ng Diyos na mapagpaKumbaba na ako talaga; gusto ko na sumunod saKanya; baka pag nangyari yun, ililigtas na Niya ako. Pero Mali po ako.                     Same day, habang kami po ay nagpapahinga saglit (bago po mag afternoon service), lumapit po si Ptr Larry para kausapin ako. Hindi pa po sya nagsisimula magsalita, nagsimula na manginig ang buong katawan ko. Hindi po dahil sa takot kundi naramdaman ko ang presensy ang Diyos; alam ko Ayaw na nya ako manatili sa kabigtatan na nararamdaman ko. Kinamusta ako ni Ptr Larry at nasaan na ba daw po baa ko… Sabi ko “Alam ko po malapit na, parating na… hindi ko lang alam anu gagawin ko po.” Sabi ni Ptr Larry, “Baka naman kasi nasa tabi mon a ang Panginoon, hindi mo lang pinapansin? … Hindi Mauubos ang PRIDE. Mamamatay ka nalang anjan parin yan.” Dugtong pa ni Ptr Larry, “Hindi ibigsabihin ng pagpapaKumbaba eh kailangan mo kalimutan ang mga bagay na natutunan mo; ang Tunay na pagpapaKumbaba ay ang PAGSUNOD sa kabila ng Marami kang Alam.” Wala na po ako masabi nung mga oras na iyon. Hanggang sa tinanong ako ni Ptr, “Meron ka bang hinihintay pa? Meron ka ba gusto marinig mula saKanya? ALam mo ba na nandito lang Siya sa tabi natin ngayon, naghihintay?”

Ako ay wala ng tigil po sa pagLuha habang ipinapakita ng Diyos saakin ang mga Kabutihan Niya sa buhay ko,

(ptr larry) “Alam mo ba gusto ng Diyos sabihin ko sayo na Mahal ka Niya? HIngin mo lang ang tulong Niya sa kawalan mo ng pananampalataya (unbelief).” Sa mga oras na iyon Naramdaman ko ang Presensya ng Diyos! Maraming beses ko hindi Siya pinapansin dahil sa Pride at Unbelief ko. Natapos ang paguusap naming ni Ptr Larry pansamantala. Kami ay nagHanda na para sa afternoon service. Wala parin tigil ang aking Luha. Kumanta kami saglit bilang pagPuri sa Diyos; ng bigla ko nalang nasilayan ang Pangalan ko na nakaSulat sa Krus gaya ng nabanggit sa awitin. Mahirap man paniwalaan ngunit iyon ay nangyari. Tuloytuloy lang an gaming church service; si Ptr Larry ay nagHayag ng Salita ng Diyos patungkol sa Parabula ng Damo at ilang bahagi sa buhay ni Moses. Nalaman ko, Nakita ko, Narinig ko ang Diyos na kung saan ipinarating Niya saakin na inayos Niya lahat; planado Niya ang lahat lahat ng mga pangyayari sa Buhay ko; hindi biglaang pangyayari lamang ang pagDala Niya saakin sa Liberty para makarinig ng Katotohanan dahil Lahat yun KALOOBAN Niya. Kailangan ko lang Maniwala, Sumunod at Siya na ang bahala… (“I got this child! JUST BELIEVE and OBEY!”). Hindi ako tumitigil sa pagHIngi ng tawad dahil sa Unbelief ko. Patuloy lang po ang paSasalamat ko dahil sa pagMamahal at Kabutihan Niya sa kabila ng pagiging Makasalanan ko. Sinabi ko na Susunod na po ako dahil yun ang gusto mo po. Siya'y kinakailangang dumakila, nguni't ako'y kinakailangang bumaba –John 3:30.

            Hanggang sa daan paUwi walang tigil ang aking pagIyak; Luha ng Pasasalamat saKanya at sa wakas naramdaman ko wala na ang BIgat ng pakiramdam na ilang buwan ko na dinadala. Alam ko andun ang Diyos kanina. NagSend ako ng text kay Ptr Larry dahil nais ko lamang sana magkwento sa mga pangyayari dahil alam ko ginamit Siya ng Diyos para iparating saakin ang mensahe Niya. Tinawagan po niya ako at isa isa kong nilahad ang Kabutihan ng Diyos nung hapon na iyon. Hindi pa kami natatapos sa paguusap naririnig ko nalang si ptr na sumisigaw at nagpapasalamat sa Diyos! That’s it! Yun na po. God was present; Nandun Siya!. Naniwala ako. Ang mga Bigat ay tinanggal na Niya; para ako ay makapag Pahinga na Sakanya… Pinangako Niya na magiging maayos din ang Lahat. Kaligtasa'y sa Panginoon!

            Oh Diyos, Mahal na Mahal po Kita! Maraming Salamat sa Kaligtasan!