WHEN HE WAS ON THE CROSS I WAS ON HIS MIND

(NUNG SIYA AY NAKAPAKO SA KRUS AKO ANG NASA ISIP NYA)

Testimonya ni: Alona L. Tapia

Pinalaki ako ng aking mga magulang na my malalim na paniniwala sa Relihiyong Katoliko. Matapat naming sinunod at ginawa ang lahat ng aming nakasanayan sa nagisnang relihiyon. Ni hindi ko naisip na mali ang mga ito, ang alam ko lng ay ginagawa ito ng mga magulang ko kaya susunod ako. Ni walang  pagtutol ng ako'y pag aralin sa Katolikong Eskwelahan, sa isip nila ito ay makabubuti dahil mabuting bata ang makakasama  ko. Nasanay kami sa pagsimba at pagdadasal ng rosaryo kahit sa kalooban ay walng malalim na ibig sabihin ito. Aktibo ang aming pamilya sa mga tradisyon patutungkol sa relihiyon katulad ng  pagtanggap ng mga imahen sa aming tahanan para  dasalan ito, pagsama sa mga prosiyon ng mga santo, station of the cross at kung ano ano pa.

Lumipas ang panahon na walng pagbabago, nanatiling ang relihiyon koy relihiyon lamang at walang tunay na pagkikilala sa ating Panginoon. Nagpakasaya ako sa buhay na meron ako, ni hindi ko binigyang pansin at pasasalamat kung sino ang nagkaloob nito. Nananalangin lamang ako kung my mga bagay akong hindi kayang gawin. Ni hindi ako humiling ng awa, gabay at  talinong galing sa Kanya, pero nanatiling mapagpahinuhod (long suffering) ang Panginoon sa akin. Di ko malilimutan ang mga salitang sinabi Nya  sa akin nung aming high school retreat..." Hihintayin kita". Pero nagpatuloy ang buhay at nanatili na lamang sa alaala ang  pagtatagpong iyon. Bagamat ako'y hindi ngpahalaga sa mga salitang sinabi Nya, hindi Sya tumigil sa pagkatok. Isang kaklase sa kolehiyo ang nag imbita sa akin para sumama sa isang pag aaral ng bibliya pero ito'y hindi ko binigyang pansin dahil para sa akin ito ay aksaya laman sa oras. Muli ang pagkatok ng Panginoon sa katauhan ng aking kaibigan na si Marvin nun ako'y ngtatrabaho na. Sinama nya ako sa kung saan sya ay ngsisimba. Nanibago ako dahil my kakaiba, hindi ito katulad ng relihiyong kinamulatan ko. Born again daw sila, kaya sa muli nyang pag imbita hindi ko na sya pinaunlakan pa. Hindi matatawaran ang pang unawang ipinagkaloob Nya sa akin. Pinadala nya ang taong gagamitin Nya para ako'y madala sa Tama nung ako'y my asawa na. Binisita ako ni Ate Dolce at binasahan ng Romans road. Ang sabi nya "tangapin mo si Jesus sa iyong  puso  para masalba ang kaluluwa mo sa impyerno". Dahil sa kakulangan sa kaalamn  ako'y panandaliang napaniwala. Ganupaman, ang  abala kong buhay ay nagpatuloy na hindi na naalala ang tinagap na salita sa Romans road.

Buhay may asawa ( Dec. 17, 1997) Ito na ang pagkakataon na naranasan ko ang pagsubok ng buhay. Ang akala ko magiging madali ang lahat dahil sa ako'y my katuwang na asawa. May paniniwala kami na ang lahat ay makakayanan basta magkasama at magtulungan lamang. Umasa kami sa aming lakas at kaalaman subalit, napatunayan namin na ito'y hindi sapat. Nagpatuloy ang pagsubok ng buhay hanggang masumpungan namin ang isang palabas na tumatalakay sa buhay ng Panginoon. Ito ay nagbigay sa akin ng interes na panoorin gabi-gabi. May mga bagay akong bagong natutunan tungkol sa Panginoon na naging dahilan para ako'y maguluhan o malito. May mga tanong at pagkukumpara na nangibabaw tungkol sa aking relihiyon. Sinunod naming mag asawa ang mga bago naming nalaman. Tumigil kaming magsimba sa Katolikong simbahan, magdasal sa mga imahen at ang pagkukrus.

Ang mga bagong kaalaman tungkol sa ating Panginoon ay ngpahina sa sarili kong kalakasan at kakayahan. Unti-unti ako ay nakaramdam ng pangungulila at pangangailangan ng Panginoon sa buhay ko. Dala ng pagsubok nagtanong ang asawa ko " kung bakit nangyayari ito sa buhay namin" isa lang ang aking tugon "dahil wala tayo sa Panginoon". Dumating ang isang pagkakataon na nagtulak sa akin para manalangin at humingi ng awa sa Kanya. Hindi ko maintindihan dahil sa unang pagkakataon ako ay lumapit ng taos sa puso ko at humingi ng awa na tulungan Nya kami. Tinanong ko pa ang Panginoon..."tinatawag mo ba ako para sumunod sa Iyo".

Dumating ang tulong! Nakakabigla  kung paano namin  naisip gamitin  ang declared lost visa ko sa America. Hindi rin kami makapaniwala pero naayos at natapos  ang lahat ng dapat baguhin  para sa plano kong pagpunta. Ang tanong ko na may pagdududa..."tulong mo ba ito aking Ama?"  Sa wakas nakarating ako sa Amerika Aug. 1, 2004. Ang unang Linggo ko ay inilaan ko sa pagsimba sa Trinity Baptist Church( Dating pangalan ng Beulah BAptist Church). Ako ay inimbitahan ng ibang kamaganakan na magsimba sa Katoliko pero pinili kong sumama kay Ate Dolce. Naramdaman kong mababait ang mga miyembro at ang pakiramdam ko kilala na nila ako bago ko pa sila nakilala. Pinagdadasal na pala nila ako noon pa. Sinimulan ang misa sa pagkanta ng "The Old Rugged Cross" may naramdaman akong kakaiba lalo na ng kantahin ang linya "Then He'll call me someday to my home far away where His glory forever I'll share". Napaiyak ako! Sinimulan na ni Bro. Charlie Garza ang pag aaral ng Bibliya. Naramdaman ko sa kanyang mga sermon na direktang pinatatamaan nya ako sa mga mali kong ginagawa sa buhay. Gusto kong magalit  pero ang sabi ko, andito ako para sa Panginoon at hindi dahil sa kanya.

Marami pang serbis at pag aaral ng salita ng Dyos ang nagdaan at unti-unti ko itong naintindihan at tumanin sa puso ko. Napakingan ko ang mga testimonya nila Ate Dolce at Bro. Bong. Isinulat kong lahat ang mga turo at muli ay binasa't pinag aralan ko ito. Nagtatanong ako kapag nalilito. Minsan, sinubukan ko pang gawin ang Salvation na narinig ko. Ang sabi daw ng Panginoon, "Just believe and you'll be save". Kaya pagkatapos ng misa ako ay umuwi, dumiretso sa kwarto, nilock ang pinto, lumuhod, binasa ang verse sa Bibliya, nagconcentrate, itinaas ko ang kamay at sinabi ko sa Kanya, "naniniwala ako pakiusap I save mo ko". Ang akala ko ganon ang paraan ng Panginoon para masalba ang aking kaluluwa...hindi pala!

Revival Time kay Bro. Greg Moffet (Nov. 7-12, 2004) Sinimulan ito ng Linggo sa paksang "the sin of the world will take you away from God". At ng mga sumunod na araw itinuro nya ang:

"Asking, seeking diligently & knocking with a humble heart"

            Matthew 7:7

                        Ask and it shall be given you, seek and ye shall find,

                        knock and it shall be open unto you.

"Calling Him with truth". Truth that you're a sinner.

            Psalms 145:18

                        The Lord is nigh unto all them that call upon Him,

                         to all that call upon Him in truth.

"Having a humble heart"

            Psalms 10:17

                        Lord thou has heard the desire of the humble

                        Thou wilt prepare their heart

                        Thou will cause the ear to hear.

"God is good and ready to forgive just ask for mercy"

            Psalms 86:5

                        For thou art good and ready to forgive

                        and plenteous in mercy

                        unto all them that call upon thee.

"Don't be afraid God receives even sinner"

            Luke 15:1

                        Then drew near unto Him all the publican

                        and sinners for to hear Him.

Noon ika apat na araw pagkatapos mangaral ni Bro. Greg. Nagsalita at nagdagdag ng turo  si Bro. Charlie. Ang sabi nya, "hindi mo matatangap ang Salvation kung ang pagkalito ay itatago mo lang sa sarili mo". Nabahala ako kaya kinausap ko agad ang Pastor ko para malaman nya kun nasa anong sitwasyon ako. Ang tanong nya sa kin,  "ano ang sinasabi ng Panginoon sa iyo". Ang sagot ko ay, "magpatuloy lang akong hanapin ang Panginoon dahil kailangan ko sya". Ang sabi pa nya, "para ka maligtas kailangan mong maniwala at tanggapin na namatay sya para sa iyo". At nagdasal sya pagkatapos, "ang sabi nya:  naniniwala akong nalalapit na ang iyong kaligtasan".

Sa aking palagay may pagmamadali sa pagkilos ng Panginoon sa akin dahil laging Sya ang nasa isip ko at gustong gusto kong makarinig ng turo at salita Nya. Kahit sa pagtulog sya pa rin ang laman ng isip ko. Nakakatulugan ko na ang pag iyak at paghingi ng awa para sa aking kaligtasan. Sa huling araw ng Revival hindi ako nakadalo dahil sa trabaho. Nalungkot ako at nag alala dahil sa pakiramdam ko kinuha sa akin ang pagkakataon na ako ay ma Save. Sa isip ko noon na pag huling araw ng Revival ay doon nagliligtas ang Panginoon...mali na naman ako. Pero nung araw ng Friday na iyon hindi ako iniwan ng Panginoon. Iyon ang pagkakataon na naramdaman ko ang matinding presensya Nya. Nagmakaawa akong patawarin nya sa aking mga kasalanan, Humingi ako ng awa at ng kaligtasan. Napagtanto (realized)  ko na hindi ako karapatdapat bigyan ng kapatawaran at awa dahil akoy makasalanan pero, "ang sabi ko: kahit hindi mo po ako iligtas ay sa iyo pa rin ako maniniwala". Ang pakiramdam ko noon oras na iyon, kahit hindi ako patawarin ng Panginoon ay hindi ako bibitaw at ako ay magpapatuloy  hanggang matanggap Nya.

Natapos ang trabaho ko ng 10:30pm at nagmamadaling humabol sa simbahan pero tapos na sila at naghahapunan na. Muli gusto kong linawin sa Pastor ko ang gumugulo sa isip at puso ko pero, my iba syang kausap. Kaya si Bro. Greg ang nilapitan ko "ang tanong ko: bakit sinasabi ng puso ko na maniwala pero bakit lumalaban ang isip ko at sinasabi na wag". Sagot ni Bro. Greg " maniwala ka sa puso mo dahil iyon ang nagsasabi sa iyo ng tama". Napanatag ako pagkatapos ng aming pag-uusap. Nung gabing iyon ibinalita sa simbahan na mayroon bisita na dadalaw sa Linggo sa araw ng pagsamba. Sila ay miyembro ni Bro. Mike Williams ng Pioneer Baptist Church ng Texas, U.S.A. Hindi ko masyadong pinansin ang balita, ni hindi ako natuwa dahil ang nasa isip ko pa rin ay ang hindi ko pagka Save.

Araw ng Salvation! (Nov. 14, 2004) Nakilala ko sila Bro. Reed at Sis. Charlotte McLemore ang mag asawang bisita ng aming simbahan. Ang akala ko magiging ordinaryo lang ang araw na ito. Pakiramdam ko wala ng pag asang ma Save dahil tapos na ang Revival. Tumayo si Bro. Reed at ngsimulang magbahagi ng salita ng Panginoon:

            Isaiah 53:5

                        But He was wounded for our transgressions;

                        He was bruised for our iniquities;

                        the chastisement of our peace was upon Him;

                        and with His stripes we are HEALED.

Malinaw na sinabi sa akin ng Panginoon na " Alona pwede kong itigil ang mga parusang ibinibigay nila sa akin pero, hahayaan ko itong mangyari para sa kaligtasan mo". Nangpatuloy si Bro. Reed sa pagsasalita habang ako'y  umiiyak at nanginginig sa mga salitang nadinig. Nang sya ay matapos inawit nya ang "When He was on the cross I was on His mind". Umalingawngaw (echoed) sa aking tenga ng napakalakas ang awit at nakita ko sa isip ko ang Panginoon na nakapako sa krus at nakatingin sa akin at sinabi " Ginawa ko ito para sa iyo". Naniwala ako at nagpasalamat ng lubos sa ginawa N'yang pagligtas sa isang makasalanang tulad ko!